Posts

ANNUAL SCIENTIFIC MEETING NG NAST ISASAGAWA SA IKA 10-11 NG HULYO 2024

Image
  LUNGSOD NG MAYNILA, PILIPINAS-MULI na namang magkikita kita ang mga dalubhasang siyentista ng bayan upang mag usap usap para mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na suliraning napapanahon ng bayan. Ang Annual Scientific Meeting ngayong July 10 to 11 2024 ay isa sa mga mahalagang petsa sa komunidad ng agham kung saan ang mga dalubhasa sa ibat ibang disiplina ay magkikita kita upang pagtulungang mabigyan ng solusyon ang samut saring suliraning kinakaharap ng Pilipinas Ang mga dadalo sa nasabing pagpupulong ay ang mga itinuturing na may kaalaman ang kasanayan sa industriya at akademya at ng Department of Science and Technology kung saan karamihan ng ating mga dalubhasang siyentista ay nagmula. Kabilang sa mga inaasahang makikibahagi ay sina Academician Dr Ruben Villareal ng Agham Agrikultural, dating kalihim ng DOST Dr. Fortunato T dela Pena at ang kasalukuyang kalihim ng DOST Dr Renato U Solidum Jr. at ang NAST ay pangungunahan ni Ms Luningning Samarita-Domingo, ang kanilang Executiv